May mga bagay talaga na mahirap bitawan basta basta nalang, lalo na't yung mga bagay na napamahal na sa'yo. Hindi mo gusto, pero kinakailangan. Pilitin mo man, ikaw'y lalong mahihirapan. Masasaktan mo lang sarili mo. Mahihirapan, masasaktan, at susuko. Nararanasan natin lahat ng ito, dahil ito'y paghahanda ng ating mga sarili sa lahat pa ng mga pwedeng mangyari sa hinaharap, at sapagkat tayo'y hamak na TAO LAMANG.