Hello! Hello! Kumusta naman kayo? ❤️ It's been a while since I came back here!
Gusto ko lang sabihin na may story akong nagawa. Fanfiction siya. Tapos na siya and ready to publish na. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa siya pinapa-publish, hahaha, pero I decided na hindi ko rito iyon ipapa-publish sa isa kong account! ☺️ Nahihiya kasi ako! Hahaha.
Hindi siya about Westlife. Pero about siya sa isang artista na lately ay bet na bet ko! ✌️
Nakakaproud lang na nakatapos ako ng isang kwento aftero 15 years siguro. Malungkot at the same time, kasi hindi siya Westlife! Sorrry sa mga nabigo ko. Pero maaring ito na rin ang simula para simulan ko ulit ang pagsusulat sa mga kwento ko about Westlife.
So, balik tayo, sa story na natapos ko. Para sakin hindi kasi siya perpekto, I mean, dati pa man kasi marami na kong nababasa na story na ang galing magkwento. Yung pag deliver, yung settings, and all kaya madala napepressure ako kung may magbabasa ba ng gawa ko since parang hindi ko maabot ang level nila. Pero ngayon, hinayaan ko na lang talaga ang kamay at isip ko. Then, one morning, na-type ko na lang yung word na ‘Wakas’.
Nakakaproud pala iyon ‘no. Namimiss ko na rin ‘yung mga readers ko before, malamang siguro ay hindi na nila ako natatandaan. But still, thank you.
Maraming Salamat sa lahat ng nagtiwala at patuloy na nagtitiwala sa akin mag pa sa hanggangan ngayon!
Isheshare ko ba rito iyon link ng story o h’wag na lang kaya?