8/27/15
Namimiss
Ilang araw na rin pala noong may narinig ako tungkol sayo
Tungkol sa iyong buhay at kung anu-ano
Napakahirap isipin na dati'y ako ang kasama mo
Sa lahat ng bagay na kinahihiligan mo
Isa na nga dito ang pagkakaiba ng ating mga unibersidad
Nakasanayan ko na kasi na kasama kita kung saan-saan
Kaya kadalasa'y napapatulala ako sa kawalan
Iniisip kung sakali ikaw ngayo'y kasama sa mga pinupuntahan
Alam ko na marami ka ng pinagkakaabalahan ngayon
Dahil ako rin naman ay isang mag-aaral gaya mo
Di kita masisisi kung ika'y hindi man lang mangamusta
Ngunit isang "Kamusta ka na, miss na kita."-sapat na
Magkasama kasi tayo simula kinder hanggang highschool
Isa sa lahat ng bagay na ipinagpapasalamat ko sa Diyos
Dahil wala na akong mahahanap na kaibigang tulad mo
Isang babaeng maganda't matalino, at tinanggap kung sino ako
Marami pang tumatakbo sa aking isipan ngunit walang maibukambibig
Sapagkat ang lahat ay nasa aking isip at nais kong ikaw ang makadinig
Sa harapan mo mismo o sa tapat ng bahay niyo
Mga bagay na gusto kong ikwento at malaman mo
Malayo man tayo sa isa't isa pero sana'y maalala mo
May isa kang kaibigang naghihintay lang para lapitan mo. <3
P.S. Kaibigan mo
#carmelmatthew