Dahil sa pag-ibig …
Dahil sa pag-ibig natutunan ko kung paano magmahal.
Dahil sa pag-ibig naranasan ko kung paano magtampo at magselos.
Dahil sa pag-ibig natuto akong magpatawad at humingi ng tawad.
Dahil sa pag-ibig naranasan ko kung paano masaktan.
Dahil sa pag-ibig pinaramdam sa akin na masarap pala ang magmahal.
Dahil sa pag-ibig natuto akong maghintay.
Dahil sa pag-ibig naranasan ko kung paano kiligin.
Dahil sa pag-ibig pinaramdam sa akin yung pakiramdam na umiyak at tumawa dahil sa taong mahal ko.
Dahil sa pag-ibig natuto rin akong magpatawad at kumalimot.
Dahil sa pag-ibig naranasan ko na okay lang kahit mapuyat basta kausap ko yung taong special sa akin.
Dahil sa pag-ibig naging bitter ako minsan.
Dahil sa pag-ibig nasaktan ko na rin ang sarili ko.
Dahil sa pag-ibig natutunan kong ibaba ang pride ko para sa taong mahal ko.
Dahil sa pag-ibig marami akong lessons sa buhay na natutunan.
Dahil sa pag-ibig nagkakaroon ako ng pag-asa.
Dahil sa pag-ibig naging malungkot ako.
Dahil sa pag-ibig natutunan kong ipaglaban at sundin kung ano ang sinasabi ng puso ko.
Dahil sa pag-ibig nag-eeffort ako para sa taong mahal ko kahit walang kapalit.
Dahil sa pag-ibig marami akong naranasan, maganda man o hindi, ganun pa man marami akong natutunan. Natuto akong magpatawag, humingi ng tawad, maghintay kahit imposible, magselos, magalit, magtampo, at marami pang iba. Dahil sa pag-ibig, masaya ako at nakakapagpa-saya ako, kaya dito ako kumukuha ng inspirasyon ko. Masarap sa pakiramdam yung may minamahal ka na alam mong mahal ka din.