Bituin
ni Charosel R. Gingo


Habang nakaupo si Marlon sa isang bangko at katatapos lang kumain ay dinala ni Marlon ang kanyang anak na si Kaye sa kwarto nito para patulugin.
“Mahal kita anak, matulog ka na,”ito ang sambit ni Marlon habang hinahaplos ang manipis at mahabang buhok ng kanyang anak.
“Mahal din kita itay, opo ako’y matutulog,”sagot naman ng batang si Kaye habang nakahiga sa kanyang higaan.
Nang makatulog na ang kanyang anak ay mataimtim niya itong pinagmasdan na parang isang bituin sa kanyang mga mata.
“Anak, kahit pa iniwan tayo ng iyong ina dahil ako’y mahirap, kahit sumasama siya sa iba ay gagawin ko ang lahat mabigyan lamang kita ng magandang kinabukasan,” sambit ni Marlon kahit alam niyang hindi na siya naririnig ng kanyang anak na si Kaye dahil ito ay mahimbing na sa pagkakatulog.
Habang nakatitig lamang siya sa maamong mukha ng kanyang anak ay bigla niyang naalala ang kanyang sinapit noon. Noong tatlong taong gulang pa lamang si Kaye ay wala siyang hindi kayang gawin alang-alang sa kanyang pinakamamahal na anak. Tanging si Marlon na lamang ang kumakayod at nag-aaruga kay Kaye. Ginawa niya ang lahat upang magkaroon ng sapat na pera para sa pag-aaral ni Kaye. Iniwan na kasi siya ng kanyang asawang si Yani dahil nga mahirap lag siya. Sumama ito sa isang amerikanong matanda. Gwapo at makisig si Marlon, mabait ito at maalaga ngunit siya ay mahirap nga lang, pero kahit ganoon ay marami paring babaeng umaaligid at humahanga sa kanya.
“Ito ba talaga ang gusto mo? Ang maghiwalay tayo? Bakit Yani, bakit?” hindi maintidihang tanong ni Marlon sa kanyang asawa.
“Oo, ito ang gusto kaya pabayaan mo na ako,”sagot naman ni Yani.
“Hindi ko aakalaing magagawa mo to sakin, sa amin, at pinangangalandakan mo pang ipinagpalit mo ako sa isang matandang amerikano, hayop ka,”sigaw ni Marlon sa asawa sabay sampal.
“Hayop ka rin, wala kang karapatang sampalin ako, pwede ba wag mo kong pakialaman, hindi mo naman maibibigay ang lahat ng luho ko di ba? Di ba? Samantal
  • Se ha unidoOctober 5, 2014


Siguiendo


Historias de CHAROSEL GINGO
1 Lista de lectura