"siya pala ay si Lalaine na kaklase ko noong highschool na nagtitinda ngayon ng mga prescious stones pero mga agimat at anting-anting pala, at ang pinakamahal niya raw na bato ay yung nabili ng matandang babae na tinuro niya sa akin, ang bato ni Darna. May bato rin raw siya ni David, bato-bato body, bato soap, mga gamot na bato at maraming pang iba.
Habang si Lalaine ay nag si-sales talk sa akin biglang may namato galing sa aking likuran at pumitik sa ngipin niya habang nagsasalita, galing pala yun sa galit-galit na babae na apo sa tuhod nang matandang babae na bumili ng Bato ni Darna. Lumipad na raw ang lola niya sa langit papunta kay San Pedro matapos lunukin ang nasabing bato.
Sumunod pa ang malaking mama na may anim na bukol sa leeg, pinalunok raw siya ni Lalaine ng bato-bato body para magka-six-pack abs pero sa leeg niya raw tumubo.
Napasugod rin ang babaeng halatang may sakit. Nagka-kidney stone raw siya matapos palunokin ni Lalaine ng Batomol at Batocilin."
- AFTER 10 YEARS
https://www.wattpad.com/myworks/14657154-after-10-years-ang-kwento-ng-isang-tagumpay-na