chocnutchocobrown

"MA PAALAM NA"
          	by: Matthew Rosales
          	
          	Ma paalam na,
          	Ako ay pupunta na...
          	Akala ko sa paligsahan ang aking punta
          	Sa langit na pala.
          	
          	Ma sorry, sinundo na ako ng ating ama,
          	Na syang saki'y naglikha,
          	Ma ako na'y kanyang kinuha,
          	Katawan ko'y nabura na sa lupa.
          	
          	Hindi mo manlang masilayan ang aking mukha
          	At maranasan sa akin ang pagsabit ng medalya kapag ako ay ga-graduate na.
          	
          	Tatanda ka ma na hindi man lang kita maaruga
          	Patawad ma, isa lang po akong mosmos na 
          	bata na walang nagawa.
          	
          	Ito na saki'y nakatakda.
          	Alam kong hindi ka pa handa,
          	Aking mahal na ina wag kang mag-alala
          	Nandito lang ako palagi sa tabi mo nakatutok at nagpapahinga.
          	
          	Ang buhay talaga sa mundo ay di hawak natin.
          	Gusto ko sanang manatili sa iyong piling,
          	Ngunit wala akong magawa at kailangang tanggapin.
          	
          	Ma patawad kung di kita nayakap,
          	Sa huling pagkakataon na kitay aking nakasama.
          	Umalis ako sa atin na buhay,
          	At malalaman mo nalang na ako ay isang malamig na bangkay.
          	
          	Isipin mo lang ma na ako'y nagpahinga,
          	Kaya ngayon sa kabaong ako nakahiga.
          	
          	Ma pagmamahal ko iyong damhin,
          	Kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Kahit wala na ako sa iyong piling,
          	Sana huwag mabura ang mga alaala natin
          	
          	Alam ko ma na ipagmalaki mo ako,
          	Na isang anak na may magandang talento at pursigido,
          	Ako ay ipinalaki mung isang mabuting tao,
          	Mapagmahal sa kapwa at punong puno ng respeto
          	Kaya Ma, salamat kahit dito nalang ako.
          	
          	Ma paalam na,
          	Uuwi na ako sa tahanan ni ama.
          	Pagmamahal ko'y damhin mo pa,
          	Pangako babaunin ko ang mga masasaya nating dalawa, ang alaala..."
          	 #PrayforBoljoonTragicAccident

SuspendeadXX

Permiso upang magpahayag!
          Nais mo ba ang istoryang may kinalaman sa historical fiction?
          
          Bisitahin lamang ang aking account at silipin ang unang istoryang aking ginawa na pinamagatang "OUR TIMES(on-going)"
          
          Kung maaari sana'y huwag muna ito bigyan ng boto bagkus bigyan ito ng buong-pusong pagbabasa.
          
          Narito ang link:
          
          https://my.w.tt/dwmixqJMn8
          
          
          Maligayang pagbabasa! ❤️