My first original story about cannibalism, ancient civilization, and love that is not meant to last—dahil ang pag-ibig nila ay mali, marumi, at mapanganib. PAG-IBIG AT KANIBALISMO: ISANG LIBONG PUSO, NOW COMPLETED IN WATTPAD! ❤️❤️❤️
Para sa ibang tao, isang nakapangingilabot ang kanilang paglalakbay upang maghanap ng kakatayin. Ngunit para kina Elio at Morvaen, isang masayang paglalakbay iyon na hindi nila makalimutan—hanggang sa kanilang huling hininga.
Hanggang ngayon, natatawa pa rin ako kapag naiisip kong halos wala talaga akong malinaw na direksiyon noong sinimulan ko ang nobelang ito.
Wala akong kumpletong outline. Wala akong alam kung saan eksaktong pupunta ang kuwento.
Sa bawat kabanata, sinusundan ko lamang kung ano ang pumapasok sa isip ko. Hinahayaan kong ang kuwento mismo ang magdikta kung saan ito gustong pumunta. Hinahayaan kong ang mga karakter ang gumawa ng sarili nilang desisyon.
Sobrang random nga nong, isang libong puso katumbas ng isang libong taon na pagkahimlay. Kasi ang totoo niyan, gusto ko lang talaga ng demonic character na hindi galing rito sa mundo.
Pero habang sinusulat ko 'yong unang eksena ni Morvaen sa tuktok ng apartment at nakatanaw sa lungsod... Bigla nalang niya nasabi 'yong isang libong taon eh. Apaka random, tuloy ako 'yong naghihirap. Syempre bilang author, tudo research tuloy ako sa buhay 1,000 years ago.
Ilang beses din nagbago ang direksiyon ng kuwento. Hindi lang dahil kay Morvaen. Pati rin si Elio. Mga pasaway talaga.
Sa pinakaunang outline ko, nakatakda sanang maghiganti si Elio sa tribu ng Kainon.
Pero habang sinusulat ko siya... Parang si Elio mismo ang tumangging gawin iyon.
At doon ko na-realized na minsan, hindi na ang author ang kumokontrol sa kuwento. Ang mga karakter na mismo ang humihinga. Ang mga karakter na mismo ang pumipili ng landas na tatahakin nila.
At sa huli... Kahit wala akong malinaw na mapa noong nagsimula ako, nakarating pa rin kami sa eksaktong lugar kung saan dapat magtapos ang kuwento.