"Congrats Architect Roni," masayang bati ni Ate Cheyenne bago ako binigyan ng yakap.
"Para sa dalawang architect pala ang welcome party na 'to," natutuwang bigkas ni Vince.
"Oo nga pala. Nandito na ba si Ate Henri?" Tanong ni Mon kay Ate Cheyenne.
"Wala pa. She's on her way na raw," she informed that made my heart throb like mad in a mixture of anticipation and nervousness.
Lumapit ako kay Ate Rina at sa mga pinsan namin na kaedaran niya upang batiin sila. Lumipas ang oras na nakipagkumustahan lang ako sa mga pinsan ko. They greeted me for being an architect. Even asked me what's my next plan. Nahirapan pa akong sumagot nang tanungin ako kung saang firm ako magsisimula ng career ko.
Saglit akong umalis sa mga pinsan ko nang dumating ang mga parents nila. I had to greet them. They were kind na noon pa bago ko pa malaman na I was a child out of wedlock, but they're kinder now. Siguro ay dahil alam nilang sensitibo pa rin sa akin ang paksang iyon. O marahil ay naaawa sila sa akin.
Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan at kasama ko sa table na 'to ilan kong pinsan na panaka-nakang nag-uusap ng kung ano-ano. Napapasali ako sa usapan kapag alam ko ang paksa nila. Sa tingin ko ay minamabuti nila na ganoon para hindi ako mapag-iwanan.
I wiped the side of my mouth using my table napkin. Matapos kong ibaba iyon sa kandungan ko ay hinanap ng mga mata ko si Noelle at Daisy na hanggang ngayon ay wala pa rin. Hindi ko alam kung nasaan sila dahil hindi rin naman nila pinaalam . I was about to continue eating when my gaze darted on the woman who entered the hall.
I don't know if I'm still breathing when I realize who that woman is. I could feel my chest throbbing as my heart started hammering against it. I inhaled sharply as I blinked three times to recollect myself.