Korapsyon
Trilyon ang inutang para sa pag-unlad, pero bakit puro bulsa ng iilan ang napupunan? Ang utang ng bayan ay magiging pasanin ng bawat Pilipino, kahit bagong silang pa lang, may utang na agad, saan ka makakakita no'n? Dito sa pilipinas. Ang pondo para sa tulay, paaralan, at pag-asa ay ginagawang luho ng mga nakaupo. Sila pa ang namumuno, pero hindi naman marunong sa batas at tungkulin. Paano uunlad ang bayan kung ang namumuno ay walang alam kundi magnakaw at magpasasa sa pawis at dugo ng mamamayan?
#ParaKaninoAngPondo #buwaya #SakimSaPera #KarununganHindiPananakawan
Edukasyon
Sinasabing edukasyon ang susi sa kinabukasan, pero bakit parang may 'eksepsyon'? Gustong-gustong namin makapagtapos pero namomroblema pa sa pambili ng gamit at pambayad sa matrikula. Bakit madali sa kanila ang lahat, habang kailangan pa naming magtiis at magsumikap nang sobra? "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" kung may mga ibang inuuna na ang ibang bagay kaysa makapagtapos, o may mga nandaraya lang para makakuha ng karangalan kahit hindi naman pinaghirapan? Nakakalungkot isipin na marami ang gustong matuto, desperadong maabot ang pangarap, pero kulang sa tulong, habang may mga nabibigay na sa lahat, puro abuso at pagwawalang halaga lang ang isinusukli.
#HindiPribilehiyoAngPagAral #EdukasyonAySusiParaSaKinabukasan
Mga Kababaihan
"Noon, ang tingin sa babae ay pambahay lang, walang karapatang magsalita, walang karapatang mag-aral, walang halaga sa labas ng tahanan. Nagbago na ang panahon, pero may ilan pa ring umaabuso. Hindi ibig sabihing mahina kami, kung kaya ng lalaki, kaya din naming mga babae. Ang aming lakas ay nasa talino, diskarte, at katatagan. Ngayon, marami na kaming nagtatagumpay sa iba’t ibang larangan. Anuman ang kasarian, nararapat lang na respetuhin at bigyan ng pantay na halaga at karapatan.
#GenderEquality ##KababaihanNgBayan
[For educational purposes only]