Magandang araw binibining @cristyxcarrots, ang aking pinsan. Hayaan mo sanang ipahayag ko ang aking mga sasabihin sa pormal at propesyonal na paraan.
Sa dagliang pagbasa ng unang bahagi ng iyon kwento, aking nakita ang maayos na pagkakahanay at organisasyon ng bawat nakasulat. Para sa akin ay madaling mahinuha kung alin ang dayalekto at kung sino ang nagpapahayag (POV).
Sa karagdagan, dahilan ito upang ikaw ay aking sundan at bigyan ng boto ang iyong katha. Kung iyong nanaisin ay maaari mo ring basahin ang aking mga tulang likha na pinamagatang "Kabalintunaan".
Salamat sa kaloob ng Diyos na kaalaman upang makapagsulat tayo ng mga bagay-bagay upang makapagbahagi ng kaalaman, opinyon, ideya, saloobin, at paniniwala. Mabuhay tayong mga manunulat.
Ang mahal mong pinsan at tagasubaybay,
GinoongMarcos