Hi! Nabasa ko 'yung comment mo sa story ko na "My Probinsyana Girl." Gusto ko sanang mag-reply sa'yo kaso na-delete mo naman kaagad. Anyways, dito ko nalang sasabihin yung mga nasa isip ko. :)
First of all, gusto kong mag-thank you sayo dahil naghanap ka ng oras para basahin ang story ko. I really, appreciate it more than you think. Kaya, THANK YOU.
Second, after kong mabasa yung comment mo, wala akong balak na i-delete siya kasi I don't find it really offensive. In fact, I find it very constructive, I'm really thankful na hindi ka natakot na sabihin ang nasa isip mo at sinabi mo talaga yung totoo. Aba, ang tagal ko kayang naghintay na sabihin sa akin yun ng isa kong reader. And finally, nag-comment ka. Kaya thank you.
Third, yung tinutukoy kong "realistic" doon sa author's note ay yung ENDING (tulad ng sinabi ko sa umpisa nun). Hindi ko sinasabi doong yung buong story ang realistic, I'm just referring to the ending, and I'm sorry kung na-misunderstood mo siya.
Fourth, tulad nga ng sinabi ko sa profile bio ko, AMATEUR writer lang ako kaya wag niyo sana aasahan na sobrang ganda ng story ko. Isa pa, 13 lang ako nung sinulat ko 'yun kaya wala pa talaga sa maayos na pag-iisip ang utak ko.
Fifth, yung mga events na nangyari sa story ko, ay binase ko lang rin naman sa ibang stories na nabasa ko dito sa wattpad. Nakita ko na ganun pala ang trip ng mga tao na pangyayari kaya naki-ride nalang rin ako. And I guess wrong move ako dun.
Sixth, ang My Probinsyana Girl ay to be published soon na at this time, may mga inayos at tinaggal rin ako sa story. Hindi ko man maipapangako na "perfect" or papasok na yun sa standards mo pero ang alam ko lang ay mas inayos ko siya at nilinis. Although alam kong may mga mali pa rin ako.
Reading your comment made me realize some things na dapat kong itama. Sayang nga lang at ngayon ko lang nabasa ang comment mo, dahil kung mas maaga ko sana siyang napansin, edi mas naiayos ko pa yung manuscript ko.