Sa isang lugar na ang kulay ay di batid,
May bigla na lang sumilay na higit pa sa itim at puti
Asul, dilaw, pula, mga primerang kulay ay naglabasan,
Nang ang mga tawa at ngiti ay napakinggan at nasilayan
Hindi man inaasahan ang pagtatagpo ng mga landas,
Ang mga kulay na ibinahagi at ipinamalas kailan man ay hindi aalpas
Sapagkat sapat na ang ipinakitang kulay at ipinaramdam na init ng mga yakap,
Upang sumubok muli na magbahagi ng sarili at ngumiti din nh wagas.
Salamat. :)