sa ilalim ng aking puso
sa ilalim ng lupa, ako'y natanim sa mabatong paligid
hirap mabunga, hirap mabuhay pero ayos lang
ako'y tutuloy dahil sa kundiman ng Panginoon.
sa ilalim ng lupa, ako'y natanim sa tuyong paligid
hirap mabunga, mahirap mabuhay sa buhay man ito
walang daloy ng kanyang salita,
kung ano man nabunga ang aking puso na naging tuyo sa paniniwala sa iyong salita.
sa ilalim ng lupa, ako'y natanim sa iyong pagmamahal
hindi mahirap mabunga, mahirap ang buhay
dahil sa pagtutukso ng aking paligid
pero ako ay isang sundalo sa pag-ibig ng Panginoon at sa bigkis ng kanyang pangako at gabay.