"Huwag kang mag-alala Khalil, susunduin ko ang iyong ina" Sambit ng Bathalumang Cassiopeia at paalis na sana ito nang biglang nagsalita ang Diwan
"Hindi naman siya ang kailangan ko ehh..." Malamig na sambit nito, "Ang kailangan ko ay ang aking apwe"
Unti-unti niyang tinignan ang Bathaluman, "Ang kailangan ko ay ang ideya Lira ko"
"kung ganun ay tatawagin ko siya dito" Sambit ni Cassiopea at nilisan ang nagpapahingang Prinsipe
...
"Khalil, ayos ka lang—ay mali— kamusta ka na? May masakit ba? Pag-aalalang tanong ni Lira sa kanyang kapatid
"Ayos lamang ako Apwe" Ngiting sambit ni Khalil, "Sapat na nakita kita"
"Wag mo akong binobola Khalil, kamusta na ba talaga ang iyong kalagayan" Nakabusangot na wika ni Lira
"Totoo naman Apwe, masaya ako na nakita kita" sambit ni Khalil at inakap ang kanyang Apwe
'Masaya ako na kahit kailan ay di mo ako sinukuan o iniwan' sambit ni Khalil sa kanyang isip
Ang kanyang Apwe Lira ay sapat na.
Siya ang kailangan niya at WALA NG IBA.
~
"Pagod na ako" mahinhin na sambit ni Mira, hawak hawak ang isang punyal, isinara niya ang kanyang mga mata at lumigid ang kanyang mga luha
Pagod na din siyang ipaglaban ang kung anong nararapat sakanya, sadyang mas mahal ng mga Sang'gre ang kanilang bagong pinsan
....
"Beshy" Dali-daling niyakap ni Lira ang kanyang pinsan
"Lira, anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Mira
"Hindi ka okay bessy, ramdam ko" sambit ni Lira at niyakap ang pinsan
Napaiyak naman si Mira
Nandito si Lira.
Hindi siya nito iniwan.
Siya lang ay sapat na.