daleonisme

daleonisme

 Parang blanko at mabigat ang nararamdaman ko ngayon. Na kaka Stress nagkasabay sabay kasi lahat, reporting sa Monday, deadline ng video commercial sa business math (21), deadline  Eapp, Deadline ng talumpati Wednesday, Submitive text sa 19-20 first periodical exam sa 27-28 ang dami! Parang hindi ko na kilala ang Sabado at Linggo nito sobrang bilis Lunes na agad bukas! 

daleonisme

Almost 6 weeks na nang nagsimula ang f2f classes ko. Sobrang daming nangyari, maraming ang naging first time ko, first time mag report, first time gagawa ng powerpoint first time magkaroon ng mga kausap bukod sa family. Hanggang ngayon sobrang nahihirapan ako at hindi parin maka pag adjust ng tuluyan, first semester 9 subject namin (ABM) 
          halos kalahati doon wala akong maintindihan lalo na sa general math.

daleonisme

Ahhmm ano... kasi  sobrang down ng pakiramdam ko ngayon :( ang bigat bigat na kasi una aaminin ko na mahina talaga ang loob ko as in promise malakas lang talaga ang loob ko si walang makakakilala sa akin dito sa wattpad kaya ginawa ko ng diary ito tho may diary na ako in person wala lang talaga ako mapagsabihan king ano ang nararamdaman ko wala kasi akong kaibigan ayuko rin sabihin kay ate kasi bukod sa siya ang breadwinner ng pamilya namin kahit na may sarili na siyang pamilya alam ko na sobrang nahihirapan na siya nakita ko nang harap harapan kung pano siya mapagod sa trabaho niya kasabay ng pagaalaga sa pamankung noong misang nagbakasyon ako sa kanila, ngayon na nasa malayo na'ko hindi na ako makakatulong sa pagaalaga sa pamamgkin ko, kami ni mama. Nasabi niya sakin noong bago palang siya sa lugar na yun umiiyak siya tuwing gabi takatingin lang sa harap ng bintana kasi unang beses niya na malayo sa amin ni mama, sobrang nahihirapan siya kaso hindi siya pwede umayaw kasi may nakaasa sa kanya. Patuloy na umaagos ang luha ko parang my nakabara sa lalamunan ko habang tina type ito ang sakit kasi :((( ang dami niyang sakripisyo para saamin ni minsan hindi niya sinabi na "ayuko na suko na ako" wala kami narinig sa kanya kahit na ano. Nakaka proud siya na ate sobra da best siya. Marami na siyang iniisip kaya hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ^-^ (sad smile) hindi ko rin naman maatim na sabihin kay mama kasi ayuko na siyang malungkot ang sakit sa puso panigurado kasi kapag sinabi ko na nade-depresse na ako masasaktan siya malulungkot siya uli ayuko na non hindi ko kaya maging magnanakaw at nakawin ang mga masasayang ngiti sa labi niya.