daliaiya

WOYP ch6 updated! ꒰⁠⑅⁠ᵕ⁠༚⁠ᵕ⁠꒱⁠˖⁠♡

daliaiya

bukas makalawa, sana bukas makawala.
          
          sa panibagong yugto ng buhay natin bukas, sana ay makawala tayo sa tanikala na pumipigil sa atin para kumawala, umabante, at magpatuloy.
          
          ito na sana ang taon na wala tayong sasayangin na pagkakataon. yayakapin natin ang takot habang tayo ay sumusubok.
          
          pero sana sa paggising natin hindi natin makalimutang imulat ang ating mga mata. at sana sa bawat pagbikas natin ng mga salita ay hindi natin makalimutang bumoses para sa iba, na sana ang ating mga tainga ay maging mabuting pruweba sa pagturo ng katotohanang tinakluban nila.
          
          dalhin sana ng bawat isa ang kabutihang walang pinipili,—pagtulong na walang hinihingi. 
          
          nawa'y ang bagong taon ay maging hudyat ng pagkakaroon ng bawat isa ng panibagong pag-asa at inspirasyon.
          
          gagaan din ang bigat ng kahapon. magpatuloy ka lang dahil maraming magandang bagay ang naghihintay para sa 'yo :)