Ang kinakatakot ko lang, kung sakaling magsawa at lisanin ng mga authors na magaling sumulat ang wattpad, anong mangyayari sa ating umaasa sa wattpad? Ung ang kasiyahan ay makapagbasa sa wattpad, anong mangyayari sa atin? Ang gusto ko lang iparating sa inyong lahat, mahalin at ingatan natin ang mga author na nagtatyagang mag-update dito sa wattpad kasi pagdumating yung araw na nagsawa sila sa mga pangbabash at pang-iinsulto ninyo sa kanila eh hindi na sila magsulat dito. Maghanap ng ibang site kung saan kelangan mo silang bayaran bago ka makabasa. Mas mahirap yun. Kaya imbes na insultohin o murahin natin sila, intindihin natin kasi nakikibasa tayo ng LIBRE ng mga gawa nila. Hindi sila ang may utang na loob sa atin, TAYO kasi nakikibasa tayo ng LIBRE. Please lang, wag sana tayong maging ingrata.