Ang pagsusulat ay paghahabi ng ideya sa utak ng tao. Dito inuukit ang bawat nilalaman ng imahinasyon, inilalabas ang bawat saloobin. Naniniwala ako'ng lahat ng tao marunong magsulat at naniniwala ako'ng bawat tao ay may sariling style ng pagsusulat. Pero ang pagsusulat ay hindi lang umiikot sa paggawa ng istorya o paghabi ng bawat ideya, ito ay kakaibang trip sa buhay at kung minamahal mo ang pagsusulat, mamahalin ka rin nito. 

Nagsusulat ako dahil gusto ko'ng magsulat, at ang pagsusulat ay parang pakikipagusap na hindi mo kaharap ang mga kinakausap mo. May sarili kang paraan ng pakikipagcommunicate sa tao sa paraang patago. Utak, ballpen, at papel lang ang puhunan para makapagsulat ka pwede mo ding lagyan ng feelings pero yun eh additional na lang, freebies kumbaga.

Nagsusulat ako dahil gusto ko'ng maisiwalat ang nararamdaman ko, hindi ko man nasasabi through verbal at action at least may outlet ako.

Masarap ang magsulat, lahat ng inaakala mo'ng hindi lalabas sa kakote mo lalabas.
  • Talisay, Batangas
  • JoinedMay 4, 2011




Story by danonymous_1