Bakit hindi dumidikit ang glue sa boteng kinalalagyan niya
Pilosopo: E kung dumidikit yan, magamit mo pa kaya ng glue?
Tanga: Dahil may magic sa loob. Like Unicorns!
Nagmamarunong: Ang glue sa loob ay hindi expose sa hangin at moisture kaya wala siyang tendency para tumigas at dumikit sa lalagyan.
Pa-Deep: Minsan, ang isang relasyon ay parang glue sa loob ng lalagyan, alam ng lalagyan na si glue ay para sa kanya. Alam din niya na darating ang oras na unti unti itong mauubos at mawawala sa kanya. Isang rason kung bakit hindi hinayaang dumikit at kumapit ni glue ay dahil ayaw niyang sa bandang huli ay guntingin at hiwain ang katawan ni lalagyan para lang saidin ang natitirang glue. Ayaw lang ni glue na masaktan si lalagyan. Kaya kahit gaano man nila kagustong manatiling magkasama, at kahit alam ni glue na nilikha siya para pagdikitin ang dalawang magkahiwalay, sadyang may mga bagay na mas pinipiling wag gawin wag lang may masaktan.