Katatapos ng undas
Sa buong buhay ko ngaun lang ako nag maghapon na namalagi sa loob ng sementeryo, kasi naman dati ay wala naman Dito o Hindi naman Dito nakalibing ang mga yumao namin na kamag Anak. Kaya yun konting dalaw at tirik ng kandila sa bandang hapon para di gaanong mainit ang sikat ng araw. At ang mga dinadalaw namin ay ang mga medyo malayong kamag Anak na nakalibing sa sementeryo ng Baler. Later ay hopping sa iba't ibang sementeryo kung saan nakalibing ang mga martir at bayani ng Aurora na kung saan na pinalad na mabigyan ng pagkakataon na nabigyan ng maayos na libing. Sa mga panahon na yan ay kasama ko si Wim in solidarity sa mga mahal sa buhay ng mga yumaong mga kasama.
Pero may iba na ngayon, wala na si Wim.
October 31 pa lang ay naglilinis na kami sa sementeryo....nagpipintura kasama ang mga bata.
November 1 maghapon namin sinamahan si Wim. Sa sementeryo ng Baler kung saan siya inilibing ang labi ng aking pinakamamahal...
Salamat sa Willem Geertman youth formation center na nagbigay ng maikling programa at pagaalay ng mga awitin na alam nilang paborito ni Wim. Salamat sa making pamilya na buong nyo na sumusuporta sa akin...at