Hello!
Kamusta naman ang home quarantine? Ginagawa niyo bang productive ang bawat araw niyo? Mabuti naman kung gano'n.
Nitong mga nakaraang buwan, hindi po ako nagkaroon ng oras para makapagsulat. Sa katunayan, medyo nakalimutan ko na yata yung takbo ng kwento sa istorya ko . At dahil nga karamihan o halos lahat sa'tin ay nasa mga tahanan lang ngayon dahil sa COVID-19, naisipan kong magbasa ulit ng isang libro sa Wattpad para muling mabuhay yung inner writer self ko (hahahaha). Nakatapos naman ako ng isang libro sa dalawang araw na pagbabasa ko.
Kaya naman napag-isip isip ko, bakit hindi ko subukang magsulat ulit? Bakit hindi ko subukang ipagpatuloy ang mga nakatambak kong istorya? Ang problema lang, wala talaga akong matinong internet connection ngayon. Pero 'wag kayong mag-alala, magsusulat pa rin ako. Hindi man ako makapag-update ng mabilis, itutuloy ko pa rin yung mga naiwan ko.
MARAMING SALAMAT!!
Updates on my stories will be posted as soon as I finish writing. Probably month of April.q