Hello. So, magiging mabagal ang pag-a-update ko sa story ni Jrald (Don't Play His Tears) dahil nahihirapan akong magsulat ng romance story ngayon. Pero susubukan ko naman siyang unti-untiin na sulatin.
Ang pinagtutuunan ko ng pansin ngayon ay 'yong sequel ng Battlecast: Underground na "Battlecast: Under Siege" dahil doon lumalabas ang creativity juice ko, hahaha. Sadyang hindi lang gumagana kapag sa romance. Baka this month of May, ipo-post ko na ang ilang chapter ng Under Siege, so stay tuned! Nagsusulat din ako sa "Tanaw Sa Kisapmata" at gusto ko talagang matapos 'yon ngayong taon.
"Pero 'di ba sabi mo nahihirapan kang magsulat ng romance? Eh, romance ang Tanaw Sa Kisapmata, ah?"
Iba kasi ang premise nito. Naka-focus din siya sa life struggle of someone, which I really relate to.
Another thing: magkakaroon ng revision sa Listen To His Tears. Sa lines, sa scenes, sa sequence, sa grammar, punctuation, and so on. Gusto ko kasing maging kaaya-aya siyang basahin sa lahat, lalo na sa mga madaling ma-concious sa grammar. And, gusto ko ring i-apply roon 'yong writing style na ginagamit ko ngayon sa DPHT, so yeah. Pasensya na lang.
Ayun lang! Maraming salamat sa suporta at sa matiyagang paghihintay. Laham ko kayo. :>
-KazuhikoxKazumi