Lmao
Una pa lang kitang makita
Gusto na kita makilala
Presensya mong nanghihila
Sa puso ko'y nakakapagpakaba.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya
Hinanap ang iyong pangalan sa friend list ng iba
Nagtanong din kung kani-kanino
Isa lamang ang nagsabi ng totoo.
Nakita ko ang iyong bio,
Pangalan ng babaeng iyong gusto.
Ako'y nasaktan pero di masyado
Naglibang na lamang dito.
Hindi ako sasabak sa labanang alam kong sa simula pa lang ako ay talo na,
Hindi ko ugaling makipagalaban sa taong alam kong panalo na.
Susuko na ako dahil wala na,
Alam kong may nanalo na.
Sa puso mo'y wala nang pag-asa
Dahil may naglalaman nang iba.
Hahayaan na lang ang lahat na magpatuloy
Dugo sa puso ng isa't-isa, patuloy na dadaloy.
Sana'y nababasa mo
Ang tula ko para sayo.
Di mo man ako kilala,
Sayo pa rin ako patuloy na hahanga.
Lilipas din ang paghangang ito,
Tatapusin ko na rin ang tulang ito.
Salamat sa pagdating sa buhay ko,
Dahil sayo, siguradong ako ay magbabago.
:>>>>