dianthuswriter

I'm finally back!

dianthuswriter

Vol.1
          
          
          "Isang himala nagpasalamat ang Demonyo"
          
          1st year college ako nang makilala ko ang pinaka-demonyong nilalang dito sa lupa. Opps! Wag na nating isali pa si Satanas o si Lucifer, sikat na yun eh. Waley!
          
          Nung una ko siyang makita, napatulo laway ko sa mukha niya. Kasing gwapo ba naman ni Enrique Gil, sinong ba namang hindi mahuhumaling, hindi ba?
          
          Nakilala ko siya dahil ka-boarmate kami.
          
          Sa una, okay naman, mabait siya. Ganyan naman talaga, sa umpisa ka lang nagpapakitang gilas.
          
          Halos araw-araw na kaming nagkikita at nagkukwentuhan, sa halos araw-araw na 'yun ay nagbibwisitan na kami sa isa't-isa. Pag nagsasalita ako, binabara niya ako. Sa tuwing siya naman ang nagsasalita ay siya na ang binabara ko. Nakakabwiset, nakakainis. Na sa tuwing nagkikita na kami ay parang sinusumpa na namin ang isa't-isa.
          
          Kaya minsan ay tinutukso na kami na parang aso't-pusa. Baka daw ay magkatuluyan kami. Ika ng "The more you hate the more you love"
          
          Isang gabi, napagdesisyonan ng mga ka-roommate kong manghiram ng laptop sa ka-roommate ni demonyo. The whole night nanuod lang kami ng mga movies na nasa flash drive ni Peter.
          
          Kinabukasan, huli akong lumabas sa room namin at hanggang ngayon ay hindi pa namin nasasauli ang laptop ni Peter kaya naisipan kong i-lock ang room namin. Hindi na kasi namin nasanayan na i-lock ito dahil malaki ang tiwala namin sa namamahala ng boardung house.
          
          Nang palabas na ako papuntang school ay nakasalubong ko ang nagmamadaling si demonyo, napatitig siya sa akin.
          
          "Na sa inyo pa ang laptop ni Peter? Hihiramin ko sana." inosente niyang sinabi habang hinihingal dahil sa pagmamadali.
          
          "Ayy, oo teka lang kukunin ko." kaya bumalik agad ako sa room namin kung na saan ang laptop at agad ko itong binigay sa kanya.
          
          Nagkatitigan pa kami nung inabot ko sa kanya ang laptop.
          
          "Thank You." Aniya
          
          Napatulala ako saglit at saka tumango. Tinalikuran na niya ako, agad akong napahawak sa dibdib ko.
          
          Isang himala talaga at nagpasalamat ang Demonyo.
          
          *Hi Kieth