dumaloy
magandang gabi.
sobrang random lang na message nito, pero hiling ko na sana may maipunla akong kaalaman? at bagong pag-unawa sa inyo.
hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat ang nagaganap na giyera sa pagitan ng iran at israel (na pinanghihimasukan ng estados unidos), at patuloy na henosidyo (o pagpatay sa lahi) sa mga kapatid nating palestino. kalat ang lahat ng impormasyon at dokumentasyon patungkol dito sa internet. nakatutok ang media sa bawat pangyayari. kaya naman wala tayong dahilan upang maging ignorante sa lahat ng ito. pero, ano nga ba ang punto ko?
malaki ang pribilehiyo natin bilang mga mamamayan na pinagkalooban ng kalayaan sa pamamahayag. mayroon tayong kapangyarihan na ibahagi kung anong ating kaalaman, pananaw, at/o kaisipan. kaya naman, sa ganitong pagkakataon, sana’y gamitin natin ang pribilehiyong ito upang gumawa ng pagbabago. gaano man ito kaliit o kalaki. maging mitsa tayo ng pagkatuto ng iba. hindi dapat tayo nananatiling mangmang. hindi dapat tayo manatiling walang alam, higit na lalong walang pakialam.
dumaloy
hindi dahil “‘di tayo direktang naapektuhan” ng mga pangyayaring aking nabanggit ay isasawalang-bahala na natin ang bigat ng mga epekto nito. totoong nangyayari ang giyera at henosidyo, at totoong buhay ng mga tao ang binago at patuloy na binabago nito. kaya pakiusap, magsimula tayo kahit sa simpleng pamamaraan lamang; ibahagi natin ang mga post o balita tungkol dito, magbahagi tayo ng donasyon sa mga indibidwal at pamilya nilang apektado ng kawalan ng pinagkukunan ng pangangailangan sa abot ng ating makakaya, at turuan natin ang ating mga kaibigan, kapamilya, at iba pang kakilala tungkol sa kahalagahan ng pakikibahagi natin sa pakikibaka ng ating mga kapatid upang labanan ang gerang-agresyon ng us-israel laban sa iran at henosidyo sa palestina.
ang bawat isyu sa ating lipunan, pati na rin ang mga global na suliranin, ay magkakaugnay. walang “mas malala” o “mas dapat pagtuunan ng pansin.” ang sigalot, gaano man “kababaw,” dapat ay tinutugunan, tinututulan, at nilalabanan.
itaguyod natin ang kapayapaan at kasarinlan ng bawat isa.
•
Reply