Hello, ate Lara. Hindi ko talaga alam paano ko ie-explain 'to, pero 2 years na akong naghihintay sa story mo.
Baka isipin mo fan lang ako dahil sa adaptation, pero hindi. Nauna kong basahin yung book bago ko pinanood yung series. Hindi pa nga ako Filipino, kaya sobrang hirap intindihin nung una. Tina-translate ko pa siya word by word para lang mabasa. Ngayon, marunong na akong magbasa ng Filipino nang maayos, and it's all because of you, Ate.
Kaya please, Ate... hinihintay ko pa rin ang Book 3 ng Ang Mutya ng Section E. Paulit-ulit kong nire-re-read ang Book 1 at Book 2 tuwing nami-miss ko si Jayfer.
Ate, please. Nakikiusap talaga ako. Ituloy mo na yung story. Huwag mo naman kaming iwan na hanging.