"Ang nakaraan,Na hindi parin lumilipas" (spoken word poetry)
Masakit. Masakit isipin,
Na ang bawat taong makikita ng aking mga mata
Ay patuloy na umuusad,
At madaling nakakalakad.
Di tulad ko
Na nakakulong pa rin.
Nakakulong sa sakit,inggit at hinagpis ng nakaraan.
Patuloy na dinaramdam
Ang lamig ng puso, na dulot ng nakalipas
Masakit. Masakit isipin,
Na ang bawat taong makikita ng aking mga mata,
Ay dumadaloy kasabay ng normal na agos ng buhay
Habang ako,
Ako na nalulunod sa dagat ng kalungkutan,
kalaban ng mabagsik na alon ng sakit,
At malakas na hangin ng pagkawasak
Masakit. Masakit isipin,
Na ang bawat taong makikita ng aking mga mata,
Ay nasisilayan ang pagsibol ng bulaklak ng kaligayahan,
At nararamdaman,ang pagkalat ng liwanag ng pag-asa
Habang ako,
Ako na patuloy na nakikipaglaban sa bagyo ng nakaraan
Nakikipagsapalaran sa unos na dulot ng nakalipas
At pilit na isinasalba,
Ang pusong nasalanta.
Masakit. Masakit isipin,
Na ang bawat taong makikita ng aking mga mata,
Ay malayang nakakagalaw
Sa mundong punong puno ng saya at kaligayan,
At tila ba hindi nawawalan ng pag-asa
Habang ako,
Ako na nakakulong sa madilim na kuwadro ng kalungkutan
Patuloy na dinaramdam,
Ang pighati, at hinagpis na dulot ng nakaraan
At patuloy na pinapagaling,
Ang sugat na nanggaling pa sa panahong nakalipas
Masakit. Masakit isipin na bawat taong makikita ng aking mga mata
Ay nakadaramdam ng saya at pag-asa
Habang ako
Ako na nasa sulok ng kulungan ng kalungkutan
At pilit na tumatakas,
Upang hanapin at buuin
Ang bawat piraso ng nadurog na puso
Ngunit mas masakit
Na sa bawat pagdilat ng aking mga matang nasasalamin ang pagdurusa
Ay nasisilayan ang mga taong nagsasawalang bahala
At tila ba walang pakialam
Sa aking nararamdaman.
- JoinedDecember 17, 2016
Sign up to join the largest storytelling community
or