*548 Heartbeats*
There;s no such thing as number of heartbeats.
As long as you heart knows what forever means, It's possible that even in death, it may still be beating...
CHAPTER 1
[Mr. Heart]
Tumitibok nanaman si Mr. Heart. Ewan ko ba. Bat kaya ganon? Bakit kaya para mabuhay, kailangan tumibok ang puso? Labo ng tanong ko no? Ang batayan kasi kung buhay pa ang isang tao ay kung tumitibok parin ang puso niya.
Pero bakit may naririnig ako na.. 'nung nawala siya tumigil yung tibok ng puso ko' or 'tumigil yung pintig ng puso ko nung una ko syang naki? Parang ewan no? ganon ang mga taong sobrang healthy ng love life. Sana ako rin.
Ako si *Peach Xeira Anderson*. Cute ng pangalan ko no? kakaiba. One of the things Im proud of. Kilala ako bilang Xei-Xei oh Xeira oh *Xei* lang mismo. Pano ko ba idedescribe ang sarili ko? mmmmm.
Physically hnggang kalahati ng likod ko ang wavy kong buhok. Sort of kulot. May pag kaChubby pero okay lng naman yun kasi hindi naman gaano halata.. Malalaman mo lng na chubby ako pag kinapa mo yung chan ko. Maliit lng ako, 5 lng po ako. Mm, the greatest thing about me is my *EYE Lashes* mahaba kasi..
Emotionally? Mahina akong tao. I mean.. mahiyain ako. Di ako gaano Friendly. I'm one of the geeks in school. Haha. Hindi naman sa ganon ka Geek. Grade conscious kung tawagin. Matalino ako sabi ng ibang tao. Pero tingin ko di totoo yun. Masipag lng tlga ako magaral. May pag ka kabisote at palabasa. Would you believe that my hobby is studying? oo.. Studying at hindi lng bsta reading..
So yun ako..
Kahit naman mahiyain ako and stuff, nag kakaroon parin ako ng secret love life. Pano yun? Eh di nag kakagusto ako ng patahimik. Wala pa kasing nakaka alam kng cno ung mga gusto ko. Actually marami na kong crush pero I always keep it to myself. Haha. Hipokrita ba? ganon ako eh. ayokong malaman ng ibang tao na nag kaka gusto na ako bale every year meron ata akong bagong crush.