Hello! Ngayon ay tapos ko nang mapalaya ang Malaya. Maraming salamat sa inyong lahat na sumubaybay hanggang sa epilogue. Sobrang thank you po sa lahat ng mga bumoto! Hindi ko po talaga inaasahan na tataas 'yung reads dahil sabi ko nga po noong una pa lang na nagsisimula pa lang po ako. Hindi pa po ako maalam sa pagsusulat dahil ito pa lang ang unang beses na nagsulat ako.
Ay!
Hindi nga pala ito ang unang beses na nakapagsulat ako. Sa totoo lang po maraming mga plot na ang naisip ko at dalawa roon ay sinubukan kong isulat ngunit hindi ko rin natapos. Ang una kong istoryang nagawa ay ang "Unexpected Future" tapos 'yung isa hindi ko na alam basta malapit lang po 'yon sa plot ng Malaya. Marami rin po akong nakitang improvements sa way ng pagsusulat ko noon at sa way ng pagsusulat ko ngayon. At ipapangako ko pong patuloy ko pa pong paghuhusayan.
Malaya po ang kauna-unahan kong natapos na istorya. Noong una ay nakadalawang delete po ako ng mga chapters dahil hindi po talaga ako satisfied sa gawa ko. Sinubukan ko po ulit at hindi ko inaasahang natapos ko na siya.
Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na sumusuporta/sumuporta sa pagsusulat ko ng Malaya. Talagang sobrang salamat po sa inyo kasi mas lalo po akong na-motivate na magsulat ulit.
THANK YOU EVERYONE!