Alaala
Ilang taon na ng ako'y iyong iwan,
hanggang ngayon pag-ibig ko'y di lumisan.
Nang ikaw sa buhay ko'y biglang naglaho,
sabay naman sa mundo ko ang pagguho.
Masasayang alaala'y bumabalik,
sa iyo ako'y tunay na nananabik.
Ang samahan natin na walang katulad,
sa mga gawain ikaw ang katilad.
Kahit na tayo'y minsan ay may tampuhan,
hindi magkasundo at nag-iiwasan,
pero sa puso ko ay walang kapalit,
pag-ibig ko sayo'y wala ng hihigit.
Ikaw ang lakas at ang tangi kong mahal,
nag-iisang ikaw na lagi kong dasal,
ngunit ngayong wala kana sa piling ko,
alaala nalang ang babalikan ko.