BIRO CHAPTER 21 is now up!
Sneak Peak:
Humalumbaba ako at saka pasimpleng tumingin sa gawi ni Adam.
No’ng una’y nakatuon ang atensyon niya sa unahan ng klase, sa guro na nagtuturo. Kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan siya.
Napaigtad ako nang tumingin siya sa gawi ko, hindi alam na nakatingin na ako. Tinago ko ang gulat na reaksyon ko. Sa halip, hindi ko inalis ang tingin sa kaniya.
Biro lang sana. Biro lang.
He looks amused. Ipinrente pa niya ang upo niya,
bahagyang itinagilid ang ulo niya at nakipaglaban ng titigan sa akin.
Doon ako tuluyang nag-iwas. Hindi ko kinaya ang tingin niya. Pasimple akong sumilip sa kaniya.
“Talo ka pala e,” aniya.
Read the full chapter on Wattpad @elpidameraki.