Update: EDONG KARITON PART 22 - ENGKANTADANG TIRANG TARIRANG
Namayani ang kagustuhan ni Ikong. Nagsipaghanda ang buong hukbong sandatahan ng mga duwende. Sa pagkakataong ito, ay sila naman ang lulusob sa kaharian ng engkantada. Nagplano si Edong sa gagawin nilang paglusob. Lahat ng bombang ginawa ni Mang Victor, ay kanilang dadalhin. Gayon din ang mga dinamitang magpapasabog, sa himpilan ng mga mandirigmang mga halimaw at tikbalang.
Sa kabilang dako nama'y, litong-lito si Tibak sa kaharian ng engkantada. Hindi niya lubos na maintindihan, kung bakit nagapi ang kayang reynang engkantada ng isang karaniwang nilalang. Hindi niya alam kung ano ang nararapat niyang gawin. Batid niyang kamuntik na rin siyang napatay ni Edong, sa kanilang sagupaan noon. Ngayo'y wala na ang kanyang reyna. Siya na ang maghahari at mamumuno sa kahariang Kababalaghan ng engkantada. Bagama't mayroong kapangyarihang kaalaman si Tibak ay kulang ang karunungan, maging sa pakikipaglaban. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, sa bihag nilang si Bebeng. Ang huling bilin ng kaniyang reynang engkanrada'y, huwag kakantiin ang bihag. Siya ang bahala dito at sa mga planong gagawin.
SA MGA GUSTO PONG SUNDAN BASAHIN ANG KABUUAN NG PART 22 PUNTA PO LAMANG KAYO SA LINK NA ITO: http://www.wattpad.com/107539491-part-1-edong-