Pagpatuloy ko na lang 'yung sinimulan ko. Bahala na kung mabasa ng iba o hindi. Hindi naman kasi lahat ng gusto mo, ibibigay sa'yo. Hindi porket naghintay ka, mag-e-expect ka dapat sa huli. Minsan, kahit maghintay ka kung walang dadating, wala talaga. Kaya naman, kung saan ka sasaya, iyon na lang ang gawin mo. H'wag kang mag-alinlangan kasi kung mag-aalinlangan ka lang, sa huli, sarili mo lang din pinahihirapan mo.