Woah is it normal na mag-enjoy ka sa pagbabasa ng sarili mong story?
Para akong ewan habang binabasa yung naka published kong story (Hydrangea Love) kasi naman balak ko lang sana ituloy na pagsusulat while wala pa ako ginagawa. Ang problema limot ko na huling mga pangyayari and actually buong yung buong story. Kaya ang ginawa ko, binasa ko mula chapter 1, inabot ako 3 days bago matapos hanggang huling update. Grabe natatawa ako, naiinis at kinikilig sa mga nababasa ko palibhasa nga hindi ko na talaga tanda yung story. Napapatanong talaga kung ako ba talaga nagsulat non Tapos ngayon, naiinis na ako bakit hanggang doon lang ang update! Sinong dapat ko awayin dahil wala ng update?