maraming beses na akong nakakakita ng mga pulubi. sa dami ng pagkakataon na nadaraanan at nakakasalamuha ko sila ay bakit hindi manlang sumagi sa isip ko ang tanong na, “Bakit ba sila naging palaboy?” hanggang sa matagpuan ko ulit ang sarili kong nag susulat sa isang pahina.. isinusulat ko na pala ang posibleng nangyari sa isang pulubi na nakita ko sa kalye kahapon.
paano kung iniwan pala siya ng asawa niya sa edad nilang 55? naging palaboy ang babae dahil sa wala itong kakayahan na buhayin ang sarili dahil sa isang kapansanan.
umedad siya ng 90… hinanap ang asawa dahil pakiramdam niya’y ano mang oras ay pupuwede na siyang mawala. hinanap upang sabihing, “mahal na mahal kita.”
nasagasaan… nawala na ang matandang babae.
pero paano kung makabalik siya sa kanyang nakaraan? paano kung ang kanyang pagkawala sa kasalukuyan ay ang kanyang pagkabuhay sa nakaraan?
uulit ka pa kaya?