YelaDel

Eury ano yung dapat makita sa kwento dun sa buhay estudyante

eury06

Buhay eSTUDYante
            Narrator: Ginising si Carmela ng kaniyang ina na si Soledad ng maaga para maghanda sa pagpasok sa paaralan.
            
            Soledad: Anak, gising na. Mahuhuli ka sa klase niyo pag hindi ka pa bumangon.
            
            Carmela: Opo, gigising na po ako para maghanda.
            
            Narrator: Dali daling tumakbo si Carmela papunta sa kanilang silid.
            
            Carmela: Hay nako! Panibagong araw na naman.
            
            Narrator: Samantala naman sa silid aralan nila...
            
            Zein: Magandang Umaga, Ace!
            
            Ace: Ano ka ba Zein? Wlang maganda sa umaga noh?!
            
            Narrator: Dumating na ang kanilang guro kung kaya't nagsimula na ang klase.
            
            Zein: Huy... guys, sino na magdadasal?
            
            Juanito: Knight, ikaw na muna ang magdasal, huy!
            
            Knight: Huh? Bakit ako?
            
            SM: Ako na nga lang ang magdadasal.
            
            Narrator: Inihayag ng kanilang guro ang pangkatang gawain na kanilang gagawin.
            
            Teacher: Sa pangkatang gawain ay gagawa kayo ng isang tableu na nagpapakita ng Kulturang Pilipino. Maliwanag ba iyon?
            
            4 students: OPO MA'AM!
            
            Narrator: Nagsimula ang pagpresenta ng bawat grupo at nauna ang Group 1.
            
            Juanito: Ipapakita naming Group 1 ang pagba Bayanihan.
            
            Narrator: Sumunod namang magpresenta ang ika 2 pangkat. 
            
            Carmela & Zein: Ipapakita namin kung gaano kasaya pag may PIYESTA!
            
            Narrator: Sumunod ang Group 3 na pinakita ang paghaharana.
            
            Knight: Para sa'yo.
            
            Narrator: At ang huling nagpresenta ang ika apat na pangkat at pinakita nila ang pagmamano.
            
            SM: Mano po!
            
            Narrator: Inihayag ng kanilang guro ang kaniyang saloobin sa kanilang presentasyon.
            
            Teacher: Maganda ang naipresenta ninyo. Sana ay may natutunan kayo. Mahalaga ang Kulturang Pilipino, naipapakita nito ang tatak-pinoy at kaugalian nating mga pilipino.
            
            SA HULI AY MADAMING NATUTUNAN ANG MGA ESTUDYANTE SA KANILANG ARALIN TUNGKOL SA KULTURANG PILIPINO. ITO AY NAPAKAHALAGA SA ATING MGA PILIPINO AT SANA AY LALO PA NATIN ITONG PAHALAGAHAN...
            
            WAKAS
            
Reply

eury06

di ka nago online eh
Reply