“Bro...” I called. Letting him take the hint.
Ngunit imbes na sabihin sa amin ay ngumisi lang siya at tumalikod. Aambahan ko na sana nang pigilan ako nina Choi.
“Mav, easy lang, easy—” sabay gawak nila sa magkabilang braso ko.
“Ano ba? Hindi ko naman siya susuntukin, itatanong ko lang kung ano sinabi niya kay Charlotte,” pagdadahilan ko. Totoo naman 'no, ayaw ko namang mapa-away sa harap niya.
Mula ata kaninang umaga ay na-turn off na iyan siya sa akin, tapos kapag ginawa ko pa 'yon ay magiging ultra mega super duper turn off talaga siya sa akin niyan.
Sasabat na sana si Esau nang dumating si coach at pinatawag kami lahat. Awtomatiko namang dumapo ang tingin ko kay Charlotte na papalapit din.
Grabe kahit anong anggulo, sobrang ganda niya.
S/A: Read Between The Hoops by everythingwaspink
Link: https://www.wattpad.com/1551110252?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=everythingwaspink