Isang bahagi sa nobelang Ryan Ferrer:

“Kahit kailan huwag kang mangangako sa babaeng mahal mo sapagkat kahit kailan wala kang kasiguraduhan na magagawa mo ang iyong pangako.Kapag nangako ang isang tao nasa estado siya ng tinatawag nating kaligayahan.Kahit na anong bagay ay sasabihin niya tatalon ako sa tulay para sa iyo.kukunin ko ang buwan o ang bituin,handa akong ialay ang buhay ko para sa iyo kita mo na ginagawa tayong sinungaling ng kaligayahan kaya huwag na huwag kang mangangako magdudulot lamang ito ng pangarap ,pagkatapos ay pagasa,na magtatapos sa kabiguan nakakaawa lang ang tao na pinangakuan”.
“Tama po ang lahat ng mga sinabi ninyo.”wika ng namanghang si Ryan.
“Mahilig ka ba sa politika.?”tanong ng matanda.
“Opo ang totoo niyan ay nakuha ako ng abogasya”.
“Aba magaling,ngayon pa lang ay binabati na kita dahil nararamdaman ko na magiging isa kang magaling na abogado malay natin maging isa ka pang senador o di kaya naman presidente.”.
“Salamat po”.
“Alam mo ba kung anong problema ng bansang ito?”.
“Ano po iyon?”ganting tanong ni Ryan.
“Masyadong matatalino at mayayabang ang mga tao.”.
“Paano ninyo po nasabi.”.
“Matatalino na kaya nilang gawing tama ang mali,kaya nilang gawing tuwid ang baluktot,kaya nilang gumawa ng mga kwento na paniniwalaan ng lahat,Mayabang isa yung katotohanan na hindi na maalis sabihin mo sa akin kung may kilala ka na pulitiko na tumuntong at nagsalita sa entablado at hindi nangako”.
“Tingin ninyo ba ay may kaunlaran pa na nagaantay sa atin?.”.
“Meron hangat may tao,puno,lupa at dagat ang bansang ito mananatili ang pagasa subalit hindi ako naniniwala na isang matalinong tao at may mataas na pinagaralan ang makakapagbago ng kapalaran ng bansa kung hindi isang tao na galing sa ibaba at alam ang ibig sabihin ng salitang kahirapan, sa pagpapatakbo ng bansa ay hindi mo kailangan ng marunong na utak ang kailangan mo ay isang puso na marunong umunawa.”.

"Alaala lang ang nagsisilbing tulay sa kasalukuyan at nakaraan"-Ryan Ferrer
  • JoinedSeptember 30, 2013


Last Message
eyak0718 eyak0718 Oct 02, 2013 07:39PM
@czesivaroham tapos na kasi yan kaya inuuplod ko n lang dito s wattpad kaya mbilis ang paglalagay kaibigan :-)haha pnopromote ko sa fb ung nobela 
View all Conversations

Story by eyak0718
Sa Likod ng Rehas na Bakal by eyak0718
Sa Likod ng Rehas na Bakal
Maikling kwento
ranking #67 in maikling See all rankings