Sabi niyo po Mr. Binay, "Hindi ko hahayaang may mamatay sa sakit dahil sa kahirapan. Bakit? Dahil ang nanay ko, namatay siya sa 'Cancer,' at wala akong nagawa dahil mahirap lang kami."
Balikan po natin ang last statement niyo base sa previous Presidential Debates headed by TV5, noong time na na- question ka po about sa biglaang paglobo ng bilang ng ari- arian niyo with regards to your SALN, (Statement of Assets, Liabilities and Net worth), sabi niyo po doon.. yung mga ari- arian na listed doon ay either binili ninyong mag- asawa, (maybe because your lawyer, and your wife is a doctor-to-be that time), and yung iba is PAMANA po sa'yo ng mga magulang niyo. How did that happen?
Kung PAMANA po sa'yo yung ari- arian... paano niyo po nasabing 'laki kayo sa hirap'? Kasi to think, may ipinamana? how? 'diba kung mahirap po kayo, 'edi sana ibinenta na lang po yung lupa para may maipagpa-gamot kayo sa nanay niyo which you just said na namatay due to Cancer? Or, may possibility na ibinenta na lang sana ng parents niyo po yung lupa para sa magandang kinakabukasan niyo po?
Ngayon, paano niyo po talaga nasabing 'laki kayo sa hirap' kung "may nai- PAMANANG ARI- ARIAN ang inyong mga magulang sa'yo'?"
At kung tunay pong "PAMANA sa inyo yung ibang mga ari- arian," (as you stated) na nakalista sa SALN niyo, eh bakit hindi siya nagawang ibenta noon para sana maipagamot ang nanay niyo? which lagi niyo naman pong sinasabi na walang- wala kayo
Ano po ba talagang totoo? PAMANA po ba talaga 'yun sa inyo? or BINILI niyo po?
Maniniwala po sana akong 'laki kayo sa hirap' kung hindi niyo sinabing "PAMANA" 'yun sa inyo, dahil sabi niyo po "Walang- wala talaga kayo noon."
Maniniwala po sana akong nasawi ang mahal niyong ina dahil sa sakit nang wala kayong nagagawa dahil mahirap lang kayo, kung hindi niyo po sana sinabi sa previous Debate na "Pamana" po sa inyo yung mga ari- arian na listed sa SALN niyo ngayon. Ano po ba talaga yung totoo?
=> Just finished PiliPinas Debates 2016<=
:D