III
Shan's POV
Buuuuurp! Hahaha. Excuse me po. Wooh. Busog na ako. Parang bloated na eh. Nakaka-ilang plater kami ng rice? Mga 15 siguro. Eh sorry naman. Gutom kasi kami at sadyang malakas kaming kumain. Hahaha. Teka, parang kanina pa tong tingin ng tingin ang lalaki na to. May dumi ba ako sa mukha? "Shan yung an--- wait! Sino yung tinitingnan mo? Si Raffy Ong? Yung nag fu-football? Uyyy! Crush mo? WHAAAA! GUYS! MERONG CRUSH SI SHANNY! HAHAHAHA!" Ha? Ano ba tong sinasabi ni Princess? Pambihira. Issue na naman to. "Hoy! Anong sinasabi mo diyan ha? Di porket tititingan ko siya, eh crush ko na?" Iritang sabi ko. Haaaay nako.
Raffy's POV
Ang ganda niya. Wait-- what? Teka. Hmmm... So siguro mag pakilala muna ako. I'm Raffy Ong. Center forward ng St. Vincent football. Matagal ko nang kilala si Shan. I think 3 years na. Magaling siyang mag laro. Kaya nga naging crush ko siya. Dahil kasi ang torpe ko, hangang sulyap na lang. Hindi ko manlang nakuha yung number niya. Haaaay. Saklap. Pero friends kami sa Fb. Kaya nga kung vacant ko, lagi akong naka tambay sa profile niya. Hihi. Ssshhhh.
A/N: Its been a month since ang last update. May nag babasa na rin kahit papano. Hahaha. Abangan ang next update.