Nang mabasa ko tong 'About Me' section unang pumasok sa isip ko yung "I'm fabulous" tska yung "Im awesome" . Di naman ako masyadong humahanga sa sarili ko diba? Sino pa ba hahanga at pupuri sa sarili ko kundi ako rin. Mahal na mahal ko kasi sarili ko.
Mahilig ako sa horror/thriller/mystery/paranormal/suspense movies. Ako ay mahilig manakot pero labis na matatakutin. Weird no?
Mahilig akong magreply ng 'ah' kahit di ko naman naintindihan tsaka ng 'ayos lang' kahit di naman ako ayos. Tsaka ng 'HAHAHA' kahit di naman ako natatawa. hahaha. Tulad nyan wala namang nakakatawa pero tumatawa ako.
Mahilig akong ngumiti,tumawa at magsalita ng mag isa.Wala lang.Nababaliw na ko eh.
Nagsasabaw ako ng gravy sa fast food. Mahilig sa Yema.Mahilig sa Yakult.Mahilig sa Chocolates.
Mahilig akong kumanta.Di nga lang halata.Ayoko kasing ma discover ako.WAla pa naman akong planong sumikat.
Tamad ako.Yung pakiramdam na pagod ka lagi.Panu kasi nung bata ako sobrang sipag ko.haha.Kaya ngayon naniniwala na ko sa kasabihang 'Ang batang masipag paglaki pagod'.
Tsaka ko na daragdagan ito kapag medyo sinipag ako. Sa ngayon kasi, inaantok na talaga ako. Pero lagi naman akong inaantok. Yung tipong may humikab lang, nahihikab na rin ako. Hindi ko alam kung likas lang ba akong inggitera.
- In Front of You
- JoinedMarch 31, 2014
Sign up to join the largest storytelling community
or