Kumusta, mga kaibigan?
Sana lahat kayo healthy and safe wherever you are.
Sabi ko noon eh ang dami kong gustong isulat. Hanggang ngayon naman ganu'n pa rin 'yung gusto ko. Hindi ko lang alam kung kailan. Hahaha! Recently kasi, nasa 3 weeks rin na nagkasakit ang nanay ko. 16 days kami sa hospital dahil 'yun pala, severe covid ang case niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha since hindi siya lumalabas, ever. Fully vaccinated na rin siya kaya... hindi talaga namin maintindihan. Gusto ko sisihin sarili ko since frontliner ako pero sobrang ingat na namin. Hindi ako masyado lumalapit kung umuuwi ako at kulang na lang ipampaligo ko sa kanya ang alcohol.
Pero ano pa ba magagawa ko? Namin? Wala naman iba kung hindi ang mas mag-ingat.
Thank God at binigyan siya ng pangalawang buhay. As of 9/23, negative na ang RT-PCR niya at patungo na siya sa full recovery.
Babalik din ako. Kapag normal na siguro... o kapag nawala na 'yung pagkapraning ko sa bawat galaw ko. Ayoko na kasi maranasan 'yung naranasan ko sa hospital. Mabuti na lang talaga ay pinayagan nila ako na magbantay kay Mama dahil nakiusap ako, pumirma pa ako ng waiver. Nagpapasalamat ako uli kay Lord kasi nanatili akong negative sa kabila ng lahat.
Na-mi-miss ko na magpakabaliw magsulat. Kailan ba magiging normal? Hay.
Anyway, kaya ako nandito kasi gusto ko lang kayo i-remind na mag-ingat. 'Wag masyado gagala, please. Magpabakuna kung may pagkakataon. Mag-vitamins! Magpalakas ng katawan. Lastly, magparehistro para sa 2022 elections para baka sakali ay makakita tayo ng kaunting pag-asa.