Nahuhumaling ako sa mga nobelang pantasya at makasaysayan, sapagkat sa bawat pahina ay tila nabubuksan ang pintuan tungo sa ibang daigdig at ibang panahon. Mula sa pagiging isang mambabasa ay natutunan kong mahalin ang sining ng pagsusulat, hanggang sa unti-unti kong matagpuan ang sarili sa paglikha ng sarili kong mga salaysay.
Bagaman kathang-isip ang aking mga akda, may mga bahagi itong hinabi mula sa mga tunay na pangyayari, pook, at damdaming nasaksihan o nabasa ko. Naniniwala akong higit na nagiging makabuluhan ang isang kuwento kapag ang guniguni ay sinasalamin ng katotohanan, at ang kasaysayan ay muling binibigyang-buhay sa pamamagitan ng panitikan.
Ang bawat kuwentong aking isinusulat ay bunga ng aking pag-ibig sa panitikan at hangaring makapag-iwan ng damdaming mananatili sa puso ng mambabasa. Kung sakaling matagpuan mo ang iyong sarili sa aking mga pahina, nawa'y maging bahagi ka rin ng paglalakbay ng bawat kuwentong aking ihahandog.
  • JoinedApril 13, 2021



Story by fayethiville
Tinig ng Puso by fayethiville
Tinig ng Puso
Taong 1940. Sa payapang Lumang Bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija, namumuhay si Laliya, isang dalagang nagtiti...
ranking #166 in 19thcentury See all rankings
3 Reading Lists