fliptonite

Reminiscence.

PANDORA-MALLARY

"hays." buntong-hininga ko sabay upo sa isang malaking galaxy rock sapagkat ako'y napagod sa paghanap ng magagawa. ngumuso ako at parang baliw na tinignan ang aking bibig nang mahagilap ng mga mata ko si kyultina. "how to dodge, how to dodge..." dinig kong sinabi niya. "ah, nag-eensayo ata siya." ngumuso ako saka tumango-tango. nakita ko rin sina seorut at yoojunget sa may di kalayuan na ganun din ata ang ginagawa. 
          
          pinapanood ko silang mag-ensayo hanggang sa mahulog ako sa kinauupuan ko "aray ko naman!" tumayo ako tsaka sinipa ang bato "walangya ka!" pinapagan ko ang pwet ko at umupo "seorut! yoojunget!" tinignan ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. si yeonji, may sinabi siya kina seorut at yoojunget, "ANO?!" sigaw ng dalawa tsaka tumingin kay kyultina, kaya tumingin din ako. napatayo ako nang makakita ng lalaking nakaitim sa likod ni kyultina, may hawak itong patalim. napatingin ako kina seorut, yoojunget at yeonji na nanlalaki ang mga mata, binalik ko ang tingin ko kay kyultina, at akmang pupuntahan nang sasakin siya ng lalaki sa bewang nito "KYULTINA!" narinig kong sigaw ng tatlo. nanlaki ang mga mata ko "KYULTINA!" sigaw ko rin at dali-daling pinuntahan siya. "h-hala! nako, teka—" tinignan si kyultina sa mga mata, "healer ako, wag kang mag-alala." sabi ko sakanya habang pinupunit ang damit niya sa bandang bewang niya. "a-aray!" daing ni kyultina habang pinosisyon ko ang mga kamay ko may sugat niya, at ginawa ang mga natutunan ko sa aking pag-eensayo. 
          
          tinulungan naman nina seorut at yoojunget na tumayo si kyultina. "maraming salamat sa mga tulong niyo." tinignan kami ni kyultina isa isa saka ngumiti "wala yun! pero pumunta tayo kay miss ariadna at sabihin ang. tungkol dito. kailangan niyang malaman 'to." sabi naman ni yeonji na sinang-ayunan naming lahat. 

uwunicorns

[ sorry nalate T T ]
          
          "Oh my gosh, oh my!" Masayang sabi nito habang naglalabas ng bolang hangin. May nararamdaman siyang presensiya pero binalewala niya lang. "Ano ba 'yan, nasaan sila? Gusto ko pa namang ibahagi ang aking kapangyarihan." Sambit niya sa sarili habang nilalaro ang kakagawang patalim na mula sa hangin.
          
          Nagpatuloy lang siya sa pageensayo at nakita sina Yeonji, Seorut ay Yoojunget na nasa malayo. Kunyaring hindi niya napansin ang mga iyon marahil sa pagtatampo dahil matagal silang nakarating. "Bahala kayo diyan, sige 'wag lumapit." Nakangusong sabi niya. "Blablabla—" naputol ang pamimilosopo niya nang makarinig ng sigaw sa grupo nila Yoojunget nang may naramdaman siyang mahapdi sa bandang bewang niya. "A-aray!"

juncboi

nasa harap ng puno at nag eensayo ang dalawang si seorut at yoojunget. "sige, subukan mong ilabas sa iyong kamay ang yong kapangyarihan." ani ni seorut kay yoojunget kaya napatango naman ang isa. sinubukang ilabas ni yoojunget ang kanyang kapangyarihan sa sariling palad ngunit nabigo siya. "hindi ko ata kaya, seorut eh." sabi ni yoojunget. "hays. sige, ayos lang yan. tara, lakad muna tayo. nakakapagod din mag ensayo eh." natawa si seorut sa kanyang sinabi, kaya nakitawa rin si yoojunget. 
          
          sa gitna ng paglalakad nakarinig sila ng tinig ng isang babaeng tumawag sa kanila. "seorut! yoojunget!". sigaw ni . . . . yeonji na lumapit sa kanila. "oh! yeonji, ikaw pala." ngumiti si yoojunget at seorut sa kanya. "s-si k-kyul!". hinihingal na sabi ng dalaga. nagtaka naman ang dalawang babae sa inasta ni yeonji. "anong meron?". tanong ni seorut kay yeonji. "puntㅡ puntahan natin si k-kyultina! n-nanganganib siya!". hingal parin nitong sabi. "ANO?!". napasigaw sa gulat ang si seorut at yoojunget. tumango si yeonji bago hilahin ang dalawa. 
          
          natagpuan nila si kyultina na masaya pang nag eensayo sa kinatatayuan niya habang may isang lalaki pang may hawak ng patalim sa kanyang likuran. nanlaki ang mata ng tatlong babae at akmang sisigaw pero naisip nila na magpapanic si kyultina at baka mapahamak ito. "si k-kyul . . ." saad ni yoojunget at tumingin kay seorut. "gamitin natin ang kapangyarihan natin." pabulong na sagot din ni seorut.
          
          ngunit gagamitin palang nila ang kanilang kapangyarihan ng may biglang nangyari. "KYULTINA!".

deceimal

malungkot, magulo, at walang kabuhay-buhay. iyan ang mga pang-uri na tanging makakapagdescribe kung nasaan ako ngayon, maraming manlalaban ang sugatan sa digmaan ng dalawang maliit na kaharian dito sa galaxy, isa ako sa natawagan na maghilom ng mga sugat dahil nga sa isa akong healer, physically and mentally. "makakapaglakad pa ho kaya ako?" tanong sakin ng isang ginagamot ko. "ah opo, sa loob ng isang oras babalik na po iyan sa dati." sabi ko ng may halong ngiti. umalis na ako sa ginagamot ko kanina at saka naglakad-lakad upang tingnan ang kalagayan ng ibang manlalaban. 
          "madaya talaga yung mga yon, lalo na yung lalaking nakamaskara ng itim kala mo kung sino, pwe." napatingin ako sa lalaking nagsalita, hindi kaya iyon din ang sinasabi ni kyultina dati? yung lalake na minsan ng nagtangka sa buhay niya at lagi siyang sinusundan? ibig sabihin non ay nasa pahamak si kyul, sasabihin ko to sakaniya mamaya. nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko sina seorut at yoojunget na naglalakad, mukhang napadaan lang yata. kasama sila noong sinabi ni kyultina ang about sa lalaking iyon kaya kailangan ko ring sabihin sakanila agad. "seorut! yoojunget!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. 

uwunicorns

"paano ba 'to?" bulong niya habang kinakaripas ang kaniyang mga kamay. "gagayahin ko ba 'yung sa avatar? o 'di kaya'y makipagusap ako sa goddess of wind?" mahina siyang humagikhik at ginaya ang ginagawa ng earth bender mula sa avatar at nagtagumpay. "oh my god! oh meh ged! umaygas! gas abelgas!" nagsisigaw na pagtalon niya. "nakagawa ako— but wait, there's more— este, hindi ko alam kung paano magcontrol!" inikot-ikot niya ang kamay niya dahil sa hindi niya alam kung anong gagawin hanggang sa lumaki ito. "gosh! ayaw ko na—" nairelease niya ang bola ng hangin at nagwawala ito sa area. "teka? how to dodge, how to dodge. . ." nagfocus siya sa paggawa ng bago at mas pinalaki niya ito, pagkatapos ay tinamaan niya ang nagwawalang hangin. "SHOOT!" masayang sabi niya nang nawala ang isa at humangin naman ng malakas dahil sa impact.