FFR 17 - Bumaba ako dala ang bulaklak na ibibigay ko sa kaniya. Habang naglalakad ako napansin ko ang isang sasakyang huminto sa harap ng bahay nila.
“Joseph?” hindi ako maaring magkamali sasakyan iyon ni Joseph. Nagtago ako sa likod ng nakaparadang sasakyan malapit sa bahay nila para hindi niya ako makita. Maya pa ay lumapit sa kanya si Mika, kinatok ang bintana nito. Ibinaba nga ni Joseph ang bintana, saka sila nagusap. Hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila pero mukhang masaya silang dalawa. Maya pa nakita ko si Mika na tumingin sa orasan, tinanggal ang engagement ring namin saka na siya sumakay sa sasakyan ni Joseph. Bigla ko nalang naiyukom ang kamao ko ng makita ko iyon. Bakit ba lagi ko nalang siyang kahati? Ngayon pati kay Mika kahati ko na rin siya. Tinignan ko ang hawak kong bulaklak, gusto ko sana itong itapon pero nanghihinayang ako sa effort na ginawa ko. Dumiretso ako sa harap ng bahay ni Mika, inilagay ang bulaklak sa gate nila saka na ako bumalik sa sasakyan. Habang nagmamaneho ako hindi pa rin maalis ang inis ko sa mga nakita ko. Anong bang klaseng babae siya, alam niyang may usapan kami na susunduin ko siya ni hindi man lang niya ako hinintay tapos makikita ko nalang makikisakay siya sa iba. Tsssss…
BASA NA GUYS XD