pagsusulat??? maganda ang sulat-kamay ko. pero ang mga sinusulat kong katha, hindi ko alam kung matatawag ding maganda. sa totoo lang, di naman talaga ako mahilig sumulat. bago nga ko makasulat ng kahit sanaysay man lang e kailangan ko pang titigan nang matagal at orasyunan ang malinis na papel bago  ko to malapatan ng salita.
minsan, ang daming ideyang pumapasok sa isip ko na gusto kong ilabas sa pamamagitan ng paghawak ng panulat. pero pag uumpisahan ko na, bigla itong nawawala. blanko.
siguro sa ngayon, mambabasa muna ako. at kapag nakapag-ipon na ako ng malakas na aura, baka makapagsulat na ko ng maganda. :D
  • quezon city, philippines
  • JoinedMay 14, 2012

Following


1 Reading List