Maraming ala-ala sa akin ay nagbabalik
Katulad ng alon na sa dalampasigan ay nananabik
Kung ang nakaraan ay pwedeng maging kasalukuyan
Wala na sanang damdamin na patuloy na masasaktan

Ihip ng hangin sa tenga ko may binubulong
Tanging buntong-hininga ang aking tugon
Halik sa aking pisngi ng hamog ng kahapon
Na waring walang humpay ang kasiyahang bigay

Banaag ang sikat ni Haring Araw sa di kalayuan
Hudyat na sa puso ay may pag-asang matanaw
Ang pag-ibig ng irog na matagal ng hinihintay
Upang wagas na kaligayahan ay tuluyang makamtan

NAG-AABANG
Date: Feb-2012
  • Muntinlupa City
  • JoinedJune 23, 2013

Following


1 Reading List