Hello! I know it's late pero I'm very sorry kung ngayong taon lang ako nagparamdam. 3 years ko na rin pala kayo ghinost, tagal na rin pala.
I know It's a lame excuse na na busy ako but yun na nga yung rason huhu. Nahirapan ako sa mga taon na yun na isingit yung pagwa-wattpad gawa ng graduating ako that time, nagreview, nagtake agad ng board exam, then work.
Juskong pressure sa buhay, gusto ko nalang talagang maging nepo baby, charing.
Umabot sa puntong medyo nakakalimutan ko na yung flow ng sariling kong story (halatang nagkakaedad na) Nagre-read ako at ako yung naccringe sa sarili kong sulat, gusto ko nalang eedit lahat. Mas lalo tuloy akong nahihiyang ipagpatuloy yung gawa koಥ‿ಥ
Nabasa ko yung mga comments and posts niyo sa wall ko so napag-isipan ko na wala naman sigurong mawawala kung ipagpapatuloy ko. And I didn't expect na meron pa rin palang magbabasa.
Sa mga loyal readers ko na naghintay at until now ay patuloy pa rin na sumusuporta sa cliche kong kabadingan sa buhay, sa mga silent readers at maging sa mga bago kong readers, sobra sobrang thank you po! Salamat sa pag-appreciate ng sulat ko.