Sa mga sumilip at nagbabasa ng Kayumanggi, hindi masusukat ang pasasalamat ko sa inyo. Sa kabila ng mga typo at historical inconsistencies (pasensya na, marami na akong natutunan since then,) hindi ko maitatanggi na ito ang nobelang pinakamalapit sa aking puso. Cheesy, but true. Sinimulan ko ito nung panahong nasa kolehiyo pa ako, mula 2004-2007, kaya ang ilang tagpo ay medyo base sa tunay na buhay - may pagka-dekonstruksyon kung baga. Again, maraming salamat at bawat notification na aking natatanggap ay mistulang regalo na nagpapasaya ng aking araw-araw. Have a good day everyone.